Wala akong maisip na title eh
Medyo magulo ang buhay ko noong mga nagdaang linggo. Hindi ko alam pero parang masyadong maraming distractions para maasikaso ang mga sarili kong problema.
Sa ngayon, medyo nakakapag-relax na ako. Kaya ko nang asikasuhin ang sarili ko.
Sa mga nangyari noong nakaraang mga linggo, may iilang bagay akong nalaman tungkol sa sarili ko. Kung kaibigan kita, maswerte ka dahil:
1. Hindi kita iiwan kahit feeling mong wala ka nang kasama.
2. Kung magtatangka kang kitilin ang buhay mo, asahan mong ako ang unang taong pipigil sayo.
3. Kung magkakamali ka, ako ang unang taong pupuna sa pagkakamali mo.
4. Kung anong sinabi mo, paniniwalaan ko. Malaki ang tiwala ko sayo eh.
5. Kung may mali kang ginawa, malamang maiinis ako sayo dahil alam kong alam mong mali yun. Pero hindi ako magagalit sayo.
6. Kung kailangan mo ang tulong ko, kahit nasa gitna ako ng date o nasa ibang bansa ako, maasahan mo ang suporta ko.
7. Ako ang huling taong susuko sayo.

April 26th, 2011 at 12:56 pm
Kaya nga kahit na marami na tayong pinag-awayan, lab na lab pa rin kita
April 30th, 2011 at 4:18 am
emo nga.
hehehe..
May 4th, 2011 at 10:30 pm
cool post
i likey
May 7th, 2011 at 7:42 pm
I admire that.
May 16th, 2011 at 8:51 pm
wow buti na lang friends tayo!
July 13th, 2011 at 8:35 am
Emo
D I think dapat sa personal mu sinasabi yan mas effective
September 23rd, 2011 at 1:36 pm
nyok… ang sarap sumulat noh pag umi-emo